Manila, Philippines — “Why would we trust a task force for the oceans environment created by an agency that has been an instrument in massive and systematic environmental destruction including reclamation of marine and coastal resources?” according to the militant fishers’ group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) on Sunday, April 20.

The fishers’ group expressed opposition against the Ocean Environment Task Force (OETF) created by the Department of Environment and Natural Resources (DENR), purportedly for ocean conservation. The roadmap for the full organization of the Task Force will be established in the second quarter of this year.

Walang kredibilidad ang DENR na magtatag at mamuno ng task force para diumano sa pangangalaga ng karagatan at yamang-dagat. Matagal na kaming nawalan ng tiwala sa nasabing ahensya sa usapin ng pangangalaga ng kalikasan dahil sa pagiging instrumento nito ng mga mapanirang proyekto tulad ng reklamasyon at kumbersyon.

Sa Manila Bay, napakabagal ng aksyon ng DENR para tuluyang ipahinto ang mga mapaminsalang reklamasyon. Bagama’t inamin kamakailan ng kalihim nito ang pinsalang dulot ng reklamasyon, wala pa ring aksyon ang ahensya para kanselahin ang mga environmental permit ng nasa 22 proyekto sa iba’t-ibang panig ng Manila Bay,” Fernando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson said in a statement.

The fishers’ group believes that “nothing beneficial and significant” could come out from the task force especially if the environmental programs that allow destructive projects are still in place.

Hindi panibagong task force o karagdagang burukrasya ang solusyon para sa ganap na pangangalaga ng ating karagatan at yamang-dagat. Hangga’t ang mga ahensya at kanilang polisiya ay patuloy na dinidiktahan ng mga malalaking negosyo at interes, magpapatuloy ang sistematikong pagwasak ng ating kalikasan.

Hindi kinakailangan ng isang task force para ipatigil ang mga mapanirang proyekto sa Manila Bay. Isang pirma lamang ito ng DENR o paglalabas ng administrative order na mahigpit na magbabawal ng reklamasyon at lahat ng anyo ng kumbersyon ng dagat at baybayin,” ended Hicap.

Leave a comment

Trending