
MANILA—House Speaker Faustino “Bojie” Dy III urged former Ako Bicol Rep. Zaldy Co to return to the Philippines and face allegations against him, following the lawmaker’s release of videos from abroad.
“Sa unang araw ko bilang Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sinabi ko na ang aking paninindigan sa harap ng sambayanan: Ako po ay kaisa ng ating Pangulo sa layuning linisin ang pamahalaan upang tayo ay bumangon muli,” Dy said.
The Speaker emphasized the need for accountability, saying, “Naniniwala ako na hindi mabubuo ang tiwala ng taumbayan kung walang tunay na pananagutan—hindi para sa pulitika, kundi para sa kapakanan ng bawat Pilipino.”
Dy noted that he had canceled Co’s travel authority to allow the former lawmaker to return and address the allegations. “Kaya isa sa una kong ginawa bilang Speaker ay kanselahin ang travel authority ni dating Rep. Zaldy Co, upang makauwi siya at harapin ang mga paratang laban sa kanya.”
The Speaker said authorities coordinated with the Department of Foreign Affairs to revoke Co’s passport after he failed to return, but Co continues to stay abroad and release videos instead.
Dy contrasted Co’s actions with other lawmakers, saying, “Samantala, lahat ng kongresistang may kailangang ipaliwanag ay kusang-loob na humarap at nakipagtulungan sa ICI. They are all willing to cooperate and work with the ICI to explain their side. Hindi po ito ginawa ni dating Rep. Co.”
He added that videos from abroad are insufficient to address serious allegations. “Hindi sapat ang video mula sa ibang bansa. Kapag mabigat ang paratang, dapat mas mabigat din ang paninindigan. Kailangan niyang humarap, manumpa, at magharap ng ebidensiya sa mga awtoridad tulad ng ICI.”
The Speaker assured that protection could be arranged if needed. “At kung kinakailangan siyang bigyan ng proteksiyon, makikipag-ugnayan po tayo sa mga kaukulang ahensiya upang matiyak ang kanyang kaligtasan habang siya ay nagbibigay ng testimonya.”
He concluded with a message to the public and to Co: “Sa ating mga kababayan: nauunawaan ko ang pangamba at pagod na dulot ng magulong impormasyon. Naiintindihan namin kayo. Ang hinihingi lamang ninyo ay katotohanan—at iyon din ang hinihingi namin. Kaya ito po ang aking panawagan kay dating Rep. Co: Umuwi po kayo at harapin ninyo ang taumbayan.”





Leave a comment