MANILA — The Senate conducted a hearing to examine the prevalence of bullying in schools and explore measures to strengthen protections for students.

During the hearing, Bam Aquino expressed concern over reports that bullying remains widespread in educational institutions and other public spaces.

“Magandang umaga po sa ating lahat at maraming salamat sa ating mga bisita mula sa iba’t ibang grupo na kakampi natin at kasangga sa pagsulong ng mga repormang kinakailangan ng ating sistema ng edukasyon,” Aquino said in his opening statement.

He shared that his perspective on the issue was shaped by his experience as a parent.

“Noong ako po’y naging ama, napatunayan kong totoo ang sinasabi ng mga magulang – na ang pagiging magulang ang pinakamahalagang biyaya sa ating buhay,” he said.

“Nang ipanganak ang aking panganay, ipinangako ko sa kanya na poprotektahan ko siya at gagawin ang lahat upang magkaroon siya ng mga magagandang pagkakataon sa kanyang buhay. Naniniwala rin ako na ito rin ang pangarap at pangako ng mga magulang sa kanilang mga anak.”

Aquino said the hearing was called out of concern that some schools and public spaces are gradually becoming breeding grounds for bullying.

“Isinasagawa po natin ang pagdinig na ito dahil nagmumula ako sa isang lugar ng matinding pag-aalala—na ang ating mga paaralan at iba pang pampublikong lugar ay unti-unting nagiging pugad ng pambu-bully. Sa halip na pagyamanin ang pagkatuto, inobasyon, at empatiya, ang ating mga paaralan ay posibleng nagiging espasyo ng takot,” he said.

He also cited findings from the Second Congressional Commission on Education report that described the Philippines as the “Bullying Capital of the World.”

“Isinasagawa po natin ang pagdinig na ito dahil ang Pilipinas ay naituring na ‘Bullying Capital of the World.’ Nandun po iyon sa EDCOM 2 report. Mayroon pong krisis sa pambu-bully sa ilang mga eskuwelahan sa ating bansa,” Aquino said.

Data from the Southeast Asia Primary Learning Metrics showed that half of Grade 5 students experienced bullying at least once in a month in 2024.

“Ayon sa Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM), 50% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang nakakaranas ng pambu-bully nang kahit isang beses sa loob ng isang buwan noong 2024. Nais ho nating malaman kung ano po ang katotohanan po dito. May nagagawa po ba sa pambu-bully na ito at ano po ang mga preventive measures na nais nating makita sa ating mga eskuwelahan,” he said.

Aquino also cited findings from the Programme for International Student Assessment indicating that one in three Filipino students experiences bullying.

“Ayon naman sa PISA o Programme for International Student Assessment, isa sa bawat tatlong estudyanteng Pilipino ang binu-bully sa mga paaralan. Humigit-kumulang 43% ng mga batang babae at 53% ng mga lalaki sa Pilipinas ang nakakaranas ng bullying nang maraming beses sa loob ng isang buwan,” he said.

The senator noted that bullying now extends beyond physical or face-to-face incidents, with cases also occurring online.

“Ang bullying po na ito ay hindi lang pisikal, o panlalait na harap-harapan. Kasama rin po ang pambu-bully online o sa social media. Hindi na natatapos ang pambu-bully sa loob ng paaralan at ang pakiramdam po ng maraming kabataan, parang walang matatakbuhan,” he said.

According to Aquino, bullying is also linked to lower literacy levels, poor academic performance, and increased absenteeism among students.

“At ayon sa EDCOM, ang pambu-bully ay nakaugnay sa mababang literasiya, mababang akademikong pagganap, at madalas na pagliban ng mga mag-aaral o absenteeism,” he said.

“Kapag ang ating mga anak ay binu-bully, bumubuo po tayo ng isang henerasyong puno ng trauma. Sa halip na yakapin ang pag-aaral, natatakot ang mga kabataan sa mismong espasyo ng pagkatuto.”

Aquino said the hearing aims to identify solutions to prevent bullying and strengthen safeguards for learners.

“Mga kasama, nandito po tayo para suriin ang mga paraan upang wakasan ang bullying sa ating mga paaralan at magtaguyod ng mga solusyon na titiyak sa proteksyon ng ating mga mag-aaral,” he said.

“Bilang isang ama at bilang Pilipino, ninanais po natin ang isang mundong mapayapa at ligtas sa karahasan para sa mga kabataan.”

The senator said the committee also seeks to determine how institutions, including the Department of Education, law enforcement authorities, parents, and teachers, respond to bullying incidents.

“Maraming, maraming salamat po and we look forward to learning more about how we can prevent bullying in our schools and to find out, ano ba iyong mga measures kapag may nabu-bully sa eskuwelahan, ano ang ginagawa ng DepEd, ng kapulisan, ng ating mga magulang, at ng ating mga guro,” Aquino said.

Leave a comment

Trending