MANILA — Sen. Bam Aquino underscored the need to strengthen support for schools in geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA) as he opened the bicameral conference committee hearing on the proposed GIDA Schools Act.

“Sa ating mga kasama mula sa Kamara, sa ating mga kapwa Senador, at sa ating mga kababayan na nanonood ngayong umaga, magandang araw sa inyong lahat. Ngayong umaga, itatakda po natin ang suporta para sa mga paaralan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), o ang tinatawag na ‘Last Mile Schools’,” Aquino said.

The senator cited accounts gathered from consultations, highlighting the difficulties faced by students in remote communities who must endure long and risky journeys just to attend school.

“Ayon sa ating mga konsultasyon, narinig natin ang mga kwento ng mga mag-aaral na kailangang sumakay ng bangka, tumahak ng mga burol, at tumawid sa mga sira-sirang tulay makarating lang sa paaralan. Ang oras at lakas na dapat sana ay nakalaan sa pag-aaral ay nauubos na lamang sa paglalakbay,” he said.

“Mahirap mag-aral, pero mas mahirap kung kailangan lalakbayin ang bundok at ilog bago pa makahawak ng ballpen. Ito ang masakit na realidad para sa mga mag-aaral sa malalayong komunidad,” he added.

Aquino said the proposed measure seeks to address the needs of students, teachers, and communities in GIDA areas.

“Sa pagsulong ng ating panukalang batas, nais nating matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante, guro, at komunidad na nasa mga GIDA, o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas,” he said.

He outlined key provisions of the bill, beginning with improved access to education for students.

“Una, suporta para sa mga mag-aaral. Kailangang may paaralan sa loob ng tatlong kilometrong distansya kung lalakarin ng isang estudyante. At kung hindi iyon posible, dapat mayroong ligtas na transportasyon para sa mga bata. Sa batas natin, dapat lahat ng mag-aaral abot ang eskwelahan nila,” Aquino said.

The measure also seeks to ensure adequate support for teachers assigned to remote areas.

“Pangalawa, suporta para sa ating mga guro. Para umabot ang dekalidad na edukasyon hanggang sa pinakaliblib na sulok ng bansa, kailangan tiyaking may sapat na suporta ang mga gurong pumipiling maglingkod doon–posibleng dagdag na allowance, pabahay, at iba pa,” he said.

In addition, Aquino emphasized the broader impact of supporting schools in underserved communities.

“Pangatlo, suporta sa komunidad. Sa panukalang batas na ito, ang suporta sa mga paaralan sa liblib na lugar ay suporta din para sa kaunlaran ng kanilang komunidad,” he said.

Aquino expressed hope that lawmakers would unite in advancing the measure to ensure access to quality education for all Filipino learners.

“Inaasahan natin na magkakaisa po tayo sa hangaring ipaabot ang de-kalidad na edukasyon sa ating kabataan, saan mang lugar sa ating bansa. Kapag mas nilalapit natin ang eskuwelahan sa mga bata, mas nilalapit din natin ang mga batang iyan sa pagsasakatuparan ng kanilang mga pangarap,” he said.

“Maraming salamat po.”

Leave a comment

Trending