
MANILA — Senator Francis “Kiko” Pangilinan denounced what he described as misinformation surrounding the Juvenile Justice and Welfare Act following the recent school shooting in Tacloban City.
In a statement, Pangilinan said the spread of false information about the law and his role in it diverts public attention from addressing the root causes of violence and exploits the grief of victims and their families.
“Bilang ama, inuulit ko ang pagkondena sa school shooting na nangyari sa Tacloban. Kinokondena ko rin ang mga kasinungalingang ikinakalat tungkol sa Juvenile Justice and Welfare Act at sa akin.”
He said claims that the law allows minors who commit serious crimes to evade accountability mislead the public and shift attention away from issues such as illegal access to firearms, weak law enforcement, and insufficient support systems in schools and communities.
“Hindi nito ginagawang ligtas ang pamilyang Pilipino. Lalo lamang nitong nililito ang mga tao, inililihis ang ating atensyon mula sa mga tunay na solusyon, at ginagamit sa pulitika ang ating pagdadalamhati, lalo na ng mga namatayan at nasaktan.”
“Tuwing nanlilinlang na ‘pinakakawalan ng batas ang mga batang pumatay,’ nababaling ang galit ng taumbayan mula sa mga tunay na problema: mga baril na napupunta sa maling kamay, mahinang pagpapatupad ng batas, at kakulangan ng suporta para sa ating mga paaralan at komunidad.”
Pangilinan also said disinformation campaigns harm victims’ families and communities while fostering fear among parents and unfairly stigmatizing young people, particularly those from disadvantaged backgrounds.
“Sinasaktan ng ganitong disinformation campaign ang mga karaniwang pamilya, lalo na ng mga namatayan at mga nasaktan. Mas tinatakot at ginagawang less informed ang mga magulang. Binabansagang kriminal na ating mga kabataan, lalo na ang pobre at madaling mapagsamantalahan, na para bang wala na silang pag-asang magbago. Binabalewala rin nito ang pagsisikap ng mga guro, social worker, pulis, at mga hukuman na maayos na ipinapatupad ang batas at pinoprotektahan kapwa ang mga biktima at ang mga batang lumabag sa batas.”
He warned that the continued spread of false information could weaken public trust in institutions and make it easier for public figures to avoid accountability.
“Ang pinakamasaklap, unti-unti nitong sinisira ang tiwala natin sa katotohanan at sa ating mga institusyon, kaya mas nagiging madali para sa sinumang pulitiko na takasan ang pananagutan sa pamamagitan ng pagsisinungaling.”
The senator urged the public to refrain from sharing unverified content online and instead rely on credible sources of information.
“Bilang mga ordinaryong mamamayan, hindi tayo maaaring manahimik. Tumanggi tayong magbahagi ng mga hindi beripikadong post, galit na memes, at mga inedit na video na binabaluktot ang katotohanan. Maglaan tayo ng ilang segundo para magbasa muna mula sa mapagkakatiwalaang mga sources bago tayo mag-react.”
He also encouraged Filipinos to calmly correct false information circulating in private messaging groups and social media platforms.
“Kapag may lumilitaw na maling impormasyon sa ating mga family group chat, Viber group ng parokya, o Facebook timeline, mahinahon natin itong itama — hindi para ipahiya ang ating kapwa, kundi para protektahan sila laban sa manipulasyon. Sabay nating panindigan ang mga biktima at ang katotohanan: humihingi ng hustisya para sa mga krimen, habang ipinagtatanggol ang mga batas at repormang nakabatay sa ebidensya at sa dignidad ng bawat bata.”
Pangilinan ended his statement by appealing to fellow parents to help safeguard both the safety of children and the truth that shapes their beliefs.
“Bilang ama, nakikiusap ako sa kapwa ko mga magulang: Maging tagapagbantay tayo hindi lamang ng kaligtasan ng ating mga anak, kundi pati ng katotohanang kanilang kalalakihan at paniniwalaan.”





Leave a comment